Mag-iisang linggo na kami sa paanan ng bundok nang makarinig kami ng mga pagsabog. Hapon na nun at magnininggas na sana ng kahoy si cel para makapagluto.Nagtago tuloy kami agad sa loob ng bahay. Nang masilip ko si miggy na paparating ay lumabas ako.Pinulot nya agad ang mga gamit na naiwan namin sa labas. Tagaktak […]
Apokalipto 5
Kuya ni rigo ang zombie’ng nakakadena. Si romeo. Teka lang parang maling tawagin syang zombie. Ewan.Sundalo si romeo. Isang taon bago magsimula ang apocalpyse ay ‘namatay’ ito sa isang engkwentro. Naniwala naman sila rigo dahil naiuwi ang ‘bangkay’ ng kuya nya. Pero mula non ay naging weird na ang kilos ng nag iisa nitong anak […]
Apokalipto 4
Mahigit isang buwan na kami sa capitol at wala pa ring helicopter na dumarating. Gumaling na ang sugat ko sa ulo pero wala pa rin. Iritable na kaming lahat. Bukod sa atat na kaming makasama ulit sila nanay, napakainit sa tindahan at idagdag mo pa ang takot namin na baka makita kami ng mga lalaki […]